Curious Girl Turns Into A Mature Lady

:))
Si Jabfel lumaking bahay-church-school-bahay-school-church-bahay ang buhay. Noong highschool ako, dumadating yung oras na hindi ko alam yung mga salita at kilos ng mga taong nasa paligid ko. Siyempre laking simbahan at bahay ako, kaya hindi ko alam yung mga salitang kanto at kung anu-anong salitang nauuso. Hindi ako palaayos, hindi nga ako marunong mag-make-up noon. Basta simple ayos na yun. Wala akong muwang sa mga gawi ng mundong kinagagalawan ko dahil alam ko lang ay mag-aral, magsimba at maging masaya sa piling ng pamilya. Pero may pangarap sa buhay, 3rd year highschool pa lang, alam ko na ang kursong kukunin ko (Mass Communication) dahil gusto kong ma-improve ang talento ko. 

Sa aking pagtungtong ng kolehiyo, nagsimula akong mag-explore, gusto ko ng adventure! Kaya marami akong sinalihang contest at clubs sa pamantasan. Naging palaayos ako sa katawan natuto akong i-combine ang usong damit, make-up at gamit ko. Mas naging friendly ako at confident sa mga ginagwa ko hindi tulad ng dati. Ngayon ko mas naiintindihan ang takbo ng mundong kinagagalawan ko; ang mga taong nabubuhay dito pati na rin ang nagaganap sa paligid ko. Nakisalamuha ako sa mga iba't-ibang klase ng tao, at doon ko napagtanto na dapat mong tanggapin ang iba't-ibang ugaling taglay nila. Sabi nga "Love others as you love yourself" di ba! Kaya ipagsusulit din natin yun kay God kung mali man tayo. Namulat ako na laging may pagbabago sa mundo kaya dapat marunong tayong mag-adjust sa buhay.


Until now, pinagtatagpi-tagpi ko ang mga pangyayari sa aking buhay simula pre-school, kinder, elementary, high school at habang ngayon sa kolehiyo. Para akong puzzle, kahit na 1,000 ung pieces matagal pa ring bago mabuo. Habang pinagdidikit-dikitin ang mga ito kalakip din nito ang mga pangyayari sa buhay ko. Patuloy na natututo at tinatarok ang mga dahilan nito. Life is a learning process kaya there's a room for improvement :) 


Almost 7 months na akong 18, pero naalala ko pa rin ang mga oras na hindi ko aakalaing gagawin ng mga churchmate ko.


February 23, 2012 - Ang araw na magiging ganap na akong dalaga. Akala ko solo lang ng pamilya ko ang araw na ito, naka-schedule kasi ang KKB Valenzuela District 2 sa isang Youth Service entitled "Truth or Consequence." Kaya naman nung nag-invite ako isa sa dinahilan ko yung birthday ko. hehe ;) Toxic din itong araw na ito dahil projectionist aq kaya maraming ginagawa in terms of technical. 


BTW, this service made a stage play concerning love related on the concept that month. At patok talaga sa kabataan nagyon. It was about a girl who represents an ordinary girl courted by 3 guys. Those guys have there different ways in courting like the first man who offered his money then the other guys showed his talent while the third boy used his intelligent.  The story ends to warned the audience in choosing the person you wants to be with, "Ikaw ba anong pipiliin mo? Truth or Consequence?" Every decisions we take have a chance to change your life. So be smart enough and don't hesitate to call on God. He loves us first why not take that chance to return your love for Him. He is one prayer away :) Mahal ka ni Jesus Christ kaya ka Siya namatay sa krus at nabuhay muli para tubusin ang ating mga kasalanan. Biruin mo yung Diyos natin bumaba pa sa langit para ipakita ang pagmamahal Niya sa atin. sabi ni God sa Jeremiah 31:3, I have loved you with an everlasting love. GRABE! Amazing ang love ng Lord. Pray :) sabihin mo sa kanya mahal kita Lord, salamat at una mo kong minahal :) Amazing love no? hehe


Back to my story, successful naman ang youth service maraming kabataang pumunta at nasiyahan sa play. After ng service, picturan na! haha hindi mawawala yun. Teka hindi ko pala nasabi na bago magsimula yung youth service dumating ang ninang ko at tito ko to celebrate with me. Pero dahil nga sa may youth service at may gampanin akong dapat gawin ay hindi ko sila masyadong na-entertain. Kaya naman after service ako bumawi.


While taking pictures with my church-mate, bigla akong tinawag ni mama. Sabi ni mama may ibibigay daw si tito, pagbaba ko wala naman sa iba naman binigay at may bibilhin daw. Kaya umakyat ako ulit, paakyat pa lang ako sa hagdan sinalubong ako ni ate jeneps. Siyempre, hyper ang lola mo nun kaya ayun todo kamusta ako hanggang sa nakipagkwentuhan ako kay kenneth na matagal ko ng hindi nakikita. Ilang minuto din yun. Pagkatapos naisip ko na umakyat kasi parang may meeting baka hinahanap ako, pinipigilan nila ako, ako naman hindi ko namamalayan ang mga bagay-bagay kaya todo encourage ako kay kenneth. whattda! 


Hanggang sa bumaba si ate Gelie sabay sabi "Oh?! bakit ka nandyan kanina ka pa namin hinahanap sa taas naku!" ako naman "sabi sa inyo eh..hala" sabay hatak sa akin papunta sa taas. Eto na nga! habang umaakyat ako, sabi ko "may next sevice?! madilim?!" At nang bigla kong nakita ang mukha ko sa projector at may upuan pa sa gitna. Ako naman hindi namalayang may tumulong luha (balat-sibuyas kasi ako eh) dali-dali akong kumuha ng panyo sa bag ko pero pilit nila akong hinahadlangan, umupo daw ako. After ng video presentation, lahat sila'y kumanta ng "Happy Birthday to you/Jabfel/Joy" whatever man yung sinabi nila I gave back my killer smile to them. haha. 


Then pumunta ako sa harap, may upuan (pang sofa na ginamit nung play) but before I sit ate phoebe lead the opening prayer (may ganun?! hehe). After prayer, ang emcee na si ate fatima, nagrequest na hindidaw bagay sa debut ang nakapantalon dahil nakasauot ako ng blue t-shirt (favorite^^,), pants at rubber shoes. At dahil bawal ang corny, edi sinuot ko din yung paldang inoffer nila. haha.


Nag-umpisa ang lahat sa 18 dance. Sabi ko "wow?! may program?! may ganun?!" haha. Si BJ (bunso kong kapatid) ang unang sumayaw sa akin at siyempre ang last ang aking Papa :) Proceed naman sa 18 candles, bumaha ng mga message :)) at napaiyak pa sa mesage ni berea (kababata kong mahal ;D) at kay ruth (sumunod sa akin) na umiyak din! At ang last ang sobrang masipag na nanay si Mama. Akala ko puro positive yung maririnig ko sa mga message, si mama yung may negative. Pero Ok lang yun,nakarelate naman yung ibang KKB's eh. haha. 


Blow the candles, wish?! hindi ko na matandaan..world peace pwede?! haha echos! Thank you sa aking minamahal na KKBs dahil sa cake :)) Pinagpray ako ni kuya Emman dapat c Pastor Domeng pero may meeting sila nun sa office. 


Kainan na!! konting handaan lang (sana nabusog ang lahat ng nasa likod ng surprise na e2) ang hinanda. Eh sa hindi ko naman expected na ganun ang magaganap. Ang nasa isip ko lang after ng service kainan na pero e2 na nga ang nangyari :)))


Muli, MARAMING SALAMAT sa lahat ng mga nagplano (ate aileen, ate gelie, aiza, daniel, ate fatima, ate phoebe, ate rianne, kuya jayson, kuya emman), kasabwat, at nakitawa sa espesyal na araw na ito! You made my 18th birthday very special. 


Thank you ate, kuya, KKBs, guys, friends, family for inspiring me, kayo ang isa sa mga naging dahilan kung bakit nagpapatuloy ako sa paglilingkod kay God at ito! still standing because of God's unfailing love.


Ganap na nga akong dalaga. Dahil after a week, nagparehistro na ako sa COMELEC. hehe segue!!..

Marami pang magaganap sa taong ito at sa nalalabing buwan patungo sa edad na 19.Marami pang hinahanda ang Lord sa buhay ko. 


As He said, "For I know the plans I have for you, plans to prosper you not to harm you, plans to give you hope and a future" (Jeremiah 29:11)


Sa aking paglalakbay tungo sa mga plano ng Lord, panghahawakan ko ang promise niya sa akin "I will never leave you nor forsaken you" (life verse ko from Hebrews 13:5)


Sana nagustuhan ninyo ang first blog ko ^_^ 

Sa susunod na blogs guys :)
thank you for reading :)
Have a great day :)
God bless Bless God ^_^

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

How to Make Pinakbet Ilocano Style

Movie Review of "The King's Speech"

A Secret NBSB Love Poem